Wednesday, February 27, 2013

TGPS New Abra de Ilog Municipal Council (ADIMC) Region IV-B MIMAROPA Occidental Mindoro

source: http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151473111794198&set=a.67793824197.68094.67790194197&type=1&relevant_count=1&ref=nf

Brod Dondon, Malaya ka na...



Dondon Lanuza: Isang Inspirasyon

Ang kwento ng buhay ni Rodelio 'Dondon' Lanuza, isang OFW na nailigtas sa parusang kamatayan sa Saudi Arabia, ay nagsisilbing inspirasyon at aral para sa ibang OFWs na nasa deathrow at sa lahat ng mga manggagawang Filipino sa buong mundo.

Ang pagmamahal at suporta ng kanyang pamilya at ng buong sambayanan; paninindigan sa katotohanan; sipag at tiyaga sa pangangampanya; tibay ng kalooban laban sa mga pilit na sirain ang kanyang pagkatao; katatagan sa mga hamon ng buhay; at malalim na pananampalataya; ay ang kanyang mga naging sandata upang maipanalo ang laban para sa kanyang kaligtasan. Hindi biro ang kanyang mga pinagdaanang dusa, pangungutya, pangungulila at paghihirap ng kalooban. Halos nasubaybayan ko ang kanyang mahigit isang dekadang buhay sa loob ng piitan na puno ng poot, drama, pakwela at minsan kakulitan. Si Dondon Lanuza ay ordinaryong tao lamang, may mga pagkukulang at pagkakamali din naman. Subalit mas napahanga ako sa kanyang buong pagkatao. May prinsipyo, determinasyon, mababang kalooban, maawain at matulungin sa kapwa.

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit isang daang Filipino ang nasa hanay ng parusang kamatayan sa iba't ibang panig ng mundo. Karamihan sa kanila ay dala lamang ng sobrang pangangailangan kaya sila nakagawa ng hindi maganda. At ang iba nman, kagaya ni Dondon Lanuza, ay ipinagtanggol lamang ang sarili sa tiyak na kapahamakan. Ilang kababayan pa kaya ang mapapahamak sa ibang bansa dala ng kahirapan at kawalang trabaho sa ating sariling bayan? Sana ay higit na mabigyang pansin, pangangalaga, proteksyon at magandang benepisyo ang mga buhay na bayani na siyang may malaking tulong sa pag-unlad ng economiya ng Pilipinas.

Sa iyo, Dondon, nawa sa iyong pangalawang buhay ay tahakin mo ang isang matuwid na landas. Huwag mong kalilimutang lingunin ang mga taong naging parte ng iyong tagumpay. Gamitin mo ang iyong pangalawang pagkakataon upang maitama ang mga mali, sa paglilingkod sa Diyos at pagtulong sa kapwa. Hangad ko ang iyong kaligayahan at mahabang buhay.

- Anonymous Supporter source: http://www.facebook.com/photo.php?fbid=423750007717815&set=a.102458226513663.3896.100002484577097&type=1&ref=nf

VILLAGE II, Butuan Council


Congratulations TGP PSBA-QC Chapter for being the second overall champion in the PSBA-QC sportsfest




source: http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151472548209198&set=a.67793824197.68094.67790194197&type=1&relevant_count=1&ref=nf

CIT Triskelions, Cebu, Philippines


TAU GAMMA PHI NEW LOGO



source: http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151470486444198&set=a.67793824197.68094.67790194197&type=1&relevant_count=1&ref=nf

Triskelion de Iloilo with visiting brod Buwi Meneses of Parokya ni Edgar.

source: http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10151471382954198&set=a.67793824197.68094.67790194197&type=1&ref=nf